Reading Time: 1 minute
Serbia Basketball Team
Serbia Basketball/ Twitter image

Pinatikim ng Serbian basketball team ang pangalawang pagkatalo ng USA basketball team 94-89 sa patuloy na FIBA Basketball World Cup sa China.

Nanguna sa panalo ng Serbia si Bogdan Bogdanovic na nagtala ng 28 points habang mayroong 25 points si Vladimir Lucic.

Mula sa unang round ay hawak ng Serbia ang kalamangan kung saan umabot pa ng hanggang 25 points ang abanse nila.

Nasayang naman ang nagawang 22 points ni Harrison Barnes, 18 points ni Kemba Walker at 16 points ni Khris Middleton.

Ito na ang pangalawang magkasunod na araw na pagkatalo ng USA team na una ay tinalo sila ng France sa quarterfinals na itinuring ng marami na “shocking loss.”

Dahil dito ay makakaharap na lamang ng US ang sinumang manalo sa pagitan ng Poland at Czech Republic para sa seventh place sa Sabado.

Ganon din ang Serbia na hihintayin ang mananalo sa pagitan ng Poland at Czech Republic sa pang-limang puwesto.