Mistulang masaker ang ginawa ng powerhouse team na Serbia nang tambakan nila ang Angola, 105-59, sa kanilang opening game sa 2019 FIBA World Cup.

Lamang nang husto sa 50-32 ang Serbia sa halftime at hindi rin nila kailanman pinatikim ng abanse ang Angola sa second half.

Namayani sa Serbia sina Bogdan Bogdanovic na umiskor ng 24 points, at kay NBA big man Nikola Jokic na tumipon ng 14 points at limang rebounds.

Habang kay Carlos Morais naman sumandal ang Angola na nagpasok ng 15 points.

Ang Serbia at Angola ay ka-grupo ng Italy at Gilas Pilipinas sa Group D ng torneyo.