-- Advertisements --

Naitala ng Senegal ang kanilang unang panalo sa World Cup matapos talunin ang host country na Qatar sa score na 3-1 sa Group A game na ginanap sa Al Thumama Stadium.

Unang naipasok ni Boulaye Dia ang goal sa loob ng 41 minuto at matapos ang tatlong minuto ay pumasok ang goal ni Famara Diedhiou para maitala ang 2-0 na kalamang ng ranked 18 na Senegal.

Sa pagpasok ng second half naitala ni Mohammed Muntari ang unang goal ng ranked 50 na Qatar sa 78th minuto.

Mabilis na nakabawi ang Senegal dahil sa pagkatapos ng anim na minuto ay pasok ang goal ni Bamba Dieng para madala ng African champions ng dalawang goal na kalamangan.

Pinilit ng Qatar na maipasok ang goal subalit mas dinoble ng Senegal ang kanilang depensa.