-- Advertisements --
Target ng Senado na mapirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang 2026 national budget hanggang Disyembre 29.
Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na nagbago ang kanilang timeline dahil sa naganap na sunog sa Senate Building nitong araw ng Linggo.
Sisimulan nila ang pag-amyenda ng ilang probisyon ng budget ngayong araw, Disyembre 2 at maaring maipasa sa ikatlong pagdinig sa Disyembre 9.
Itinakda sa Disyembre 11 ang bicameral conference committee at sa Disyembre 16 ay mapirmahan ang Bicam Report.
Una ng sinabi rin ni Senate President Tito Sotto na hindi sila papayag na maantala pa ang pagpasa ng budget kaya pinapabilisan nito ang pag-imbestiga sa naganap na sunog.
















