Walang tugon ang kampo ni Atty. Lloyd Christopher Lao sa arrest order ng Senate blue ribbon committee.
Si Lao ang dating OIC ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS DBM).
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III nilagdaan na niya kanina ang arrest order.
Ang pagpapaaresto kay Lao ay bunsod ng pag-contempt sa kanya ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa hindi pagsipot sa mga pagdinig ukol sa hinihinalang katiwalian at anumalya sa pagbili ng PS-DBM ng pandemic supplies.
Nabatid na apat na pagkakataon nang hindi dumalo si Lao sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee kahapon.
Si Lao ang OIC ng PS DBM nung bumili ang ahensya ng pandemic supplies mula sa hinihinalang pinaborang Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Maging ang iba pang opisyal ng Pharmally na sina Mohit at Twinkle Dargani ay hindi pa rin mahanap ng mga otoridad.