-- Advertisements --

Hiniling ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber na i-disqualifiy si Prosecutor Karim Khan sa nasabing kaso.

Base sa inihain nilang petisyon na mayroong conflict of interest si Khan sa kaso kay marapat na ito ay tanggalin.

Sinabi n Nicholas Kaufman ang abogado ng dating pangulo na si Khan na tumayo bilang private lawyer for hire noong 2018 ay nagrepresenta siya biktima ng umanoy extrajudicial killings sa Pilipinas.

Dahil dito ay maaring kaduda-duda na ang mga ebedinsyang ilalabas ni Khan sa imbestigasyon.

Una ng inihayag ng Appeals Chamber na wala silang nakitang anumang impartiality sa bahagi ng Prosecutor.

Magugunitang si Khan ay nag-leave noong Mayo dahil sa nahaharap ito ng imbestigasyon mula sa United Nations Office of Internal Oversight Services dahil umano sa alegasyon ng sexual misconduct.