-- Advertisements --

Kinumpirma ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng kampo ni Vice President Sara Duterte ukol sa impeachment, na nasa Pilipinas lamang ang pangalawang pangulo.

Taliwas ito sa ilang espikulasyon na nasa ibang bansa ang bise presidente, partikular na sa Kuwait.

Ayon kay Poa, nakausap niya kagabi ang opisyal para bigyan ng updates ukol sa naging takbo ng impeachment kung saan na-archive sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

Tumanggi naman ang abogado na magbahagi pa ng ibang impormasyon ukol sa mga aktibidad ng pangalawang pangulo, lalo’t hindi na umano siya direktang bahagi ng OVP.

Kamakailan ay nasa Marinduque ang bise presidente para mamahagi ng school bag para sa mga kabataan, ngunit matapos ito ay hindi na mula siya namataan sa mga public events.