-- Advertisements --

Umaasa si Finance Secretary Ralph Recto na ang 0.9% inflation rate noong Hulyo, ang pinakamababa sa loob ng anim na taon, ay makapagbibigay ng malaking ginhawa sa mahihirap na pamilyang Pilipino.

Ito ay dahil na sa patuloy na pagbaba ng presyo ng pagkain, lalo na ng bigas sa bansa.

Ang average inflation mula Enero hanggang Hulyo ay 1.7%, mas mababa sa target ng gobyerno na 2.0% hanggang 4.0%, na nagpapatunay ng katatagan ng presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Recto, mahalagang maramdaman ng bawat Pilipino ang pagbaba ng presyo ng bigas, pagkain, kuryente, at iba pang pangangailangan.

Paliwanag pa ng kalihim na malaki ang naging ambag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pamamagitan ng kanyang mga programa tulad ng “Benteng Bigas” at Kadiwa ng Pangulo.

Nakatulong rin aniya ang ipinatupad na mababang taripa.

Sa kabila nito ay nananatiling alerto ang gobyerno sa mga posibleng banta sa presyo gaya ng kalamidad at pandaigdigang tensyon kahit pa inaasahan pagpapanatili sa mababa ng inflation rate sa bansa.