-- Advertisements --

Pinabulaanan ni Senador Ping Lacson ang alegasyong nag-play safe siya matapos bumotong abstain na i-archive ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Depensa ng senador sa paratang ng ilang grupo na buhay pa ang motion for reconsideration na inihain ng Kamara para umapela sa desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment complaint.

Ipinunto ni Lacson na ang abstention ang pinakamalapit na pagsunod sa naging desisyon ng Korte Suprema kumpara sa pagboto ng “Yes” o “No,” maging ito man ay bago o matapos ang MR.

Samantala, patuloy aniya siyang hindi magkokomento sa merito ng kaso dahil hindi imposibleng mabaligtad ang unang desisyon ng Supreme Court. 

“I’d rather not comment on merits ng kaso. Baka mamaya mabaligtad at matuloy kami maging Senate Impeachment Court, tine-telegraph ko na. Ang gusto ko makita ang ebidensya,” saa ni Lacson.