Balik sa active military service si Sen Antonio Trillanes matapos ideklarang “void†mula sa simula ang amnestiya na iginawad sa kanya ng nakalipas na administrasyon.
Ito ang inihayag ni AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo kasabay ng pagsabi na dahil sa kinukunsidera uling miyembro ng militar si Trillanes, maari na itong arestohin at isailalim sa General Court Martial.
Paliwanag ni Arevalo sa pag-balewala sa amnestiya na ipinagkaloob kay Trillanes ay muling itutuloy ang court martial laban sa kanya dahil sa kanyang partisipasyon sa Oakwood mutiny.
Sa pinirmahang Proclamation ni Pang. Rodrigo Duterte, binabawi nito ang amnesitya ni Trillanes.
Pero nilinaw naman ni Arevalo na ang pag revert sa active military service ni Trillanes ay interpretasyon ng militar, at maari itong i-contest sa naangkop na legal forum ni Trillanes kung kanyang nanaisin.
Kinumpirma ni Arevalo, ito rin ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganitong sitwasyon gaya ng kaso ni Trillanes.
Sa ngayon hindi makita ang amnesty application ni Trillanes sa AFP J1 for personnel na siyang may hawak ng mga records.
Sinabi ni Arevalo na kasalukyang hinahanap na ito ang nasabing dokumento.
Wala din maipakitang basehan na batas ang DND at AFP kaugnay sa pag revert sa status ni Trillanes bilang isang sibilyan.