-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan nitong tumulong sa oras ng pangangailangan sa posibleng malakas na paghagupit ng bagyong Uwan mararanasan sa bansa.

Makaseseguro anila ang publiko na sila’y nakaantabay para sa mga operasyon ng paglikas at pagtugon sa sakuna lalo na sa mga lugar na lubhang maaApektuhan.

Ipinag-utos ni Philippine National Police Chief Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr. na mailagay ang lahat ng yunit ng PNP sa ‘full alert status’.

Ibig sabihin ay nakaalerto na ang hanay ng kapulisan para makipagtulungan sa mga lokal na opisyal sa pagpapatupad ng preemptive at mandatory evacuations kung sakali man.

Partikular na bibigyan atensyon ng Pambansang Pulisya ang mga rehiyon sa Hilaga at Gitnang Luzon kung saan inaasahan ang malakas na ulan at hangin dulot ng bagyong Uwan.

Hinikayat ng hepe ng Philippine National Police ang publiko na makiisa sa paghahanda at manatiling nakaantabay sa mga opisyal na abiso ng pamahalaan.