-- Advertisements --

Lalo pang lumala ang baha sa ilang bahagi ng Bulacan kahit hindi naman ito direktang dinaanan ng bagyong Uwan.

Kabilang sa mga muling nalubog sa baha ang Hagonoy na dati na ring nalubog noong kasagsagan ng habagat at iba pang nagdaang bagyo.

Nakapagpalala pa sa sitwasyon nasabay na high tide.

Naniniwala rin ang mga residente na kahit kaunting ulan lamang ay babahain na sila dahil ang nakaraang pagtaas ng tubig ay hindi pa lubos na nawalan, bago pa man ang epekto ng bagyong Uwan.

Nabatid na ang probinsya ng Bulacan ay nagiging catch-basin ng mga pagbaha at nanggagaling ang tubig sa mga karatig nitong lalawigan at syudad.