-- Advertisements --

Nagpaabot ng P760 milyong pisong tulong pinansiya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga lokal na pamahalaan na matinding tinamaan ng Bagyong Tino.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na sa halagang ito, makatatanggap ng tig P50-million ang Cebu, Capiz, Surigao del Norte, Iloilo, Bohol, Negros Occidental. 

Tig P40 milyong piso naman ang matatanggap ng Eastern Samar, Surigao del Sur, Southern Leyte, Antique at Aklan.

Tig P30-million naman ang matatanggap ng Leyte at Masbate.

Tig P20- million sa Guimaras,Agusan del Norte, at Dinagat Island.

Tig P10-million ang ibibigay sa  Biliran, Camarines Sur, Misamis Oriental, Negros Oriental, at Palawan. 

Habang tig limang milyong piso naman ang ipagkakaloob sa  Albay, Romblon, Batangas, Northern Samar,  Siquijor, Quezon, Samar,  Agusan del Sur, Laguna, Zamboanga City, Camiguin, Occidental Mindoro, Camarines Norte, Zamboanga del Norte, Iligan City, Manila City at Camiguin.