-- Advertisements --
Nais ngayon ni Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na maghain ng resolusyon na layong imbestigahan kung paano nanalo ang 433 bettors sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Grand Lotto jackpot.
Ayon sa senador, kataka-taka raw ang resulta ng draw dahil ang tiyansa raw na makuha ng mahigit 400 mananaya ang pare-parehong kombinasyon ay “one in a billion.”
Kung maalala, base sa resulta ng 6/55 lottery draw kagabi ay lumabas ang winning number combination na 09-45-36-27-18-54.
Ang anim na numero ay pare-parehong multiples ng number nine.
Paghahatian naman ng 433 winners ang jackpot prize na P236,091,188.40.