-- Advertisements --

Mahigpit na ipapatupad ng Commission on Elections (COMELEC) ang ‘liquor ban’ na magsisimula bukas, Mayo 11 at magtatagal ito hanggang sa araw ng botohan. Nagbigay-babala si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na ang sinumang lumabag dito ay maaaring mamultahan ng Php 1000 hanggang Php 6000 o di kaya’y humarap sa  pagkakakulong. 

Aniya, huwag ng mag-inom lalo’t higit sa mga pampublikong lugar para hindi na makasuhan pa.

Ang ‘liquor ban’ ay alinsunod sa COMELEC Resolution No. 11057 na nagbabawal na magbenta, mag-alok at uminom ng alcoholic beverages isang araw bago ang halalan.