Nananawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipinong botante na pumili ng mga lider na may integridad at kakayahan at malasakit sa taumbayan.
Hinikayat din ng Pangulo ang lahat ng mga registered voters na gamitin ang karapatang bumuto.
Sa ilalim ng Proclamation No. 878 idiniklara ng Pangulong Marcos ang May 12,2025, bukas Lunes, bilang special non-working holiday para makalahok ang lahat ng mga registered voters na bumuto sa national and local elections.
Hinikayat ng Presidente ang mga botante na piliin ang kandidatong may malasakit, kakayahan, at may paninindigan dahil sa sa tamang pagpili, sama-samang bubuuin ang Bagong Pilipinas.
Siniguro naman ni PCO Secretary Jay Ruiz sa publiko na mahigpit na nakikipag ugnayan ang ibat ibang ahensiya ng gobyerno sa mga stakeholders upang matiyak na maging honest, orderly at peaceful ang 2025 midterm elections.
Binigyang-diin ni Sec. Ruiz na ang mga mapagkakatiwalaang halalan ay mahalaga sa pagbuo ng isang digitally empowered democracy kung saan pinaninindigan ang transparency at tiwala.