Hinatulang makulong ng 100 taon na pagkakakulong si dating Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chairman Efraim Genuino at apat na iba pang opisyal ng ahensiya.
Ang kaso ay may kaugnayan sa umanoy hindi tamang paggamit ng P50.05 milyon na pondo ng ahensiya.
Sa 257 pahina na desisyon ng Sandiganbayan Third Division, napatunayan nila na si Genuino, Philippine Charity Sweepstakes Office president and chief operating officer Rafael Francisco, datomg senior vice president for administration Rene Figueroa, dating SVP for corporate communications services Edward King at dating assistant vice president for the internal audit Valente Custodio na guilty sa five counts ng paglabag sa Anti-Graft and Corruption Practices Act.
Sila ay na-convict ng limang counts ng malversation of public funds sa ilalim ng Article 217 ng Revised Penal Code.
Magugunitang napatunayan ng Office of the Ombudsman na nagsabwatan ang nasabing mga opisyal para iligal na magasto ang P50.05 milyon na pondo ng PCSO mula 2005 hanggang 2008.