Kinumpirma ni Sen. Aquilino “Koko” Martin Pimentel III na nagpositibo siya sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Pimentel, kagabi lang niya nalaman ang resulta ng pagsusuri, kahit noong Biyernes pa siya nakunan ng swab samples.

“I was informed late last night March 24, 2020 that I have tested positive for the COVID-19 virus. The swab was taken last Friday, March 20, 2020,” wika ng senador.

Inaalam na kung saan nahawa ang mambabatas at maging ang kaniyang mga nakahalubilo.

Si Pimentel na ang ikalawang senador na naitalang infected ng virus dito sa Pilipinas, makaraang unang matukoy na positibo rin sa COVID-19 si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Nagsagawa na ng paglilinis sa gusali ng Senado dahil sa naturang mga development.