Desmayado si Senator Kiko Pangilinan sa kakaunting bilang ng mga mambabatas na nagsasa publiko ng kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Ito ay kahit pa inalis na ng Office of the Ombudsman ang restriction sa pag-access ng publiko sa SALN ng mga opisyal ng gobyerno.
Ginawa ng senador ang pahayag sa ginanap na Liberal Party ‘Kung Walang Korap, Walang Mahirap’ fellowship event kahapon sa Quezon City.
Naniniwala ng senador na mas malaki ang pangangailangan na managot ang sinumang mapapatunayang dawit sa korapsyon.
Apela ng mambabatas sa Department of Justice, Office of the Ombudsman at Independent Commission for Infrastructure na bilisan ang kanilang pagpapanagot sa mga nagkasala.
Nanawagan rin ito sa Kamara na maging sensitibo at pakinggang ang daing ng taumbayan para sa pagkakaroon ng transparency at accountability.
Bukas rin si Sen. Kiko sa suhestyon ni Sen, Alan Cayetano na magkaroon ng miyembro ng oposisyon sa binuong ICI.
















