-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na nakinabang din siya sa umano’y “GCTA For Sale” noong nagsilbi siyang Bureau of Corrections (BuCor) director general.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Sen. Dela Rosa na paano siya tatatnggap ng perang pambayad sa GCTA ng mga convicted criminals kung wala namang nag-alok noon sa kanya.

Ayon kay Dela Rosa, totoong mahigit 100 heinous crimes convicts ang nakalaya din noong panahon niya sa BuCor dahil obligado raw siya alinsunod sa GCTA Law.

Iginiit ni Sen. Dela Rosa na baka siya naman daw ang kasuhan ng mga inmates kung hindi niya lagdaan ang kanilang release order.

Kaya pabor daw si Dela Rosa sa gagawing pag-amyenda sa Republic Act 10592 para malinawan ang batas at maiwasang magkaroon ng kalituhan sa implementasyon nito.