Nakalatag na ang seguridad para sa Commencement Exercises sa Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019 sa darating na Linggo, May 26.
Ayon sa PMA, normal procedure sa seguridad ang kanilang ipapatupad kasabay ng pagkumpirma na mangunguna sa event si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PMA dpokesperson Maj. Reynan Afan, kaniyang sinabi na dadalo ang pangulo sa seremonya kasama sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Benjamin Madrigal, at mga major service commanders.
“Yes we are expecting the President to preside the change of guard ceremony and the commencement exercises of the PMA Mabalasik Class of 2019,”ani Afan.
Sinabi ni Afan na ang topnotcher ng Mabalasik class ay ang pang-apat na babae sa kasaysayan ng akademya na naging class valedictorian.
“I think this is the 4th time that we have a female class valedictorian, there have been times mas marami pa nga po ang babae,” dagdag nito.
Ang Mabalasik Class of 2019 ay binubuo ng 263 graduates na mas marami kommpara noong nakaraang taon.
Samantala, paliwanag ni Afan na nagbago sila ng academic calendar kaya ngayong Mayo ang kanilang graduation.
Ito ay bahagi din ng K12 program ng Department of Education.