Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO-Hinigpitan pa ngayon ng Police Regional Office (PRO-12) ang seguridad sa buong SOCCSKSARGEN region.

Pinag-utos mismo ni PRO-12 Regional Director Brigadier General Eliseo Tam Rasco sa kanyang mga tauhan na magbantay 24/7 sa kanilang mga areas of responsibility.

Inatasan ni Rasco ang mga myembro ng Command Groups, Directorial Staff, Provincial at City Directors, Chief of Police at pinuno ng mga PNP Operational Support Units na paigtingin pa ang intelligence monitoring at preventive measures para mapigilan ang anumang terroristic activity.

Napag-usapan din sa command conference ng PRO-12 ang contingency at defense plan na ipatutupad sa iba’t ibang lugar sa rehiyon- 12.

Kasunod ito ng suicide bombing incident sa kampo ng militar sa Sulu kung saan walo ang nasawi kabilang ang mga bomber, tatlong sundalo at ikinasugat ng 12 iba pa.

Sa probinsya ng Cotabato,araw at gabi ay nagsagawa highway checkpoint,pagpapatrolya at police visibility sa mga matataong lugar ang pulisya para sa seguridad ng taong bayan.