GENERAL SANTOS CITY- Naghigpit ng seguridad ang buong probinsya ng Sarangani matapos ang pagkahuli ng Political Officer ng Guerilla front committee 73 ng New Peoples Army.

Ayon kay Lt. Col. Teody Condeza, spokesperson ng Sarangani provincial Police Office na kanilang nahuli si Rudy Daniel 40 sa kanyang bahay sa Lumasal, Maasim Sarangani habang kustudiya ang M14 rifle.

Bitbit ng Pulisya ang warrant of Arrest para kay Daniel sa kaso na Attempted Murder na may piyansa na P120,000.

Kaagad inalerto ang buong pwersa ng pulisya para doblehin ang pagbantay sa nasabing NPA lider.

Dagdag pa ni Condesa na lumiliit na ang mundong ginagalawan ng nasabing grupo dahil karamihan sa kanila ang bumaba na at nag enjoy sa ibinigay na programa ng gobyerno.

Kasama ng pulisya sa paghuli sa nasabing wanted person ang 27th Infantry battalion .