Inanunsiyo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na aabot sa 491 miyembro at supporter ng New People’s Army (NPA) ang na-nutralisa o napasuko/nadakip sa engkwentro ng militar sa rebeldeng grupo mula Enero 1 hanggang Mayo 22 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, sa naturang bilang nasa 407 ang sumuko sa pwersa ng gobyerno.
Habang 41 ang nahuli at 43 naman ang napatay sa kasagsagan ng operasyon ng militar.
Nasa 68 ding kampo ng rebeldeng grupo ang nakubkob sa naturang period.
Samantala, iniulat din ni Col. Padilla na nasa 332 mga baril at 233 anti-personnel mines ang nakumpiska o isinuko ng mga komunistang rebelde sa mga tropa ng gobyerno.
Nauna ng inihayag ng militar na nasa 88 mula sa 89 guerilla fronts ng NPA ang na-nutralisa kayat iisa na lamang na “weakened front” ang naiwan.