Nagsasagawa na umano ng contact tracing ang mga otoridad sa mga nakasalamuha ng security staff ng Kamara na nagpositibo sa coronavirus.

Ayon kay Secretary-General Jose Luis Montales, isinailalim na sa home quarantine ang naturang security staff.

Naka-assign din aniya ito sa tanggapan at barracks ng Legislative Security Bureau.

Huli aniya itong pumasok sa trabaho noon pang Hulyo 6.