ROXAS CITY – Positibo ang coach ng WVRAA secondary boys basketball team na makakagawa ng kasaysayan ngayong taon ang delegasyon ng Region 6 sa Palarong Pambansa 2019.

Ayon kay coach Jeffrey Abool, target ng basketball team na mahigitan pa ang 3rd place na ranking at makakapaglaro sa championship round ang mga atleta ng Western Visayas.

Dahil dito ay patuloy ang practice ng mga atleta sa basketball para maiuwi ang kampeonato.

Buwan ng Pebrero nitong taon ng makagawa ng kasaysayan ang WVRAA secondary boys basketball team matapos makuha ang kampeonato sa WVRAA Meet 2019 kung saan naging host province ang lalawigan ng Capiz.

Ito ang unang kampeonato ng Capiz sa WVRAA meet matapos ang 47 taong hindi pagkakasungkit nito.

-- Advertisement --

Samantala dalawang players na mula sa Negros Occident ang kabilang sa delegasyon ng Region 6 sa basketbal secondary boys