Muling nagwagi ang National Capital Region sa basketball – secondary girls sa Palarong Pambansa 2025 kontra sa Davao Region sa dominanteng iskor na 78-42.
Ayon sa head coach ng NCR na si Camilla Denise Acosta, Sobrang saya nila dahil lahat ng sakripisyo, training, at paghihirap ng mga bata ay nagbunga.
giit niya na Hindi naging madali ang mga kalaban nilang rehiyon kaya mas lalo nilang pinahalagahan ang panalong ito.
Hindi nila inasahan ang resulta ngunit ayon kay Coach Acosta, ang plano lang talaga ay maglaro ng isang laro sa bawat pagkakataon.
Dagdag niya na ang ultimate goal ay maging back-to-back champion.
Bukod sa tagumpay sa Palarong Pambansa, naghahanda na rin ang koponan ng NCR na bumiyahe patungong Singaporepara sa NBA Rising Star Invitational.
Ibinahagi rin ng team captain na si Aubrey Lapasaran ang kanyang kasiyahan.
Dagdag pa ni Lapasaran, ang pagkakaroon ng pagkakaisa at komunikasyon bilang team ay isa sa mga naging susi sa kanilang tagumpay.
Tunay na naging makulay at makasaysayan ang araw na ito para sa larangan ng basketball sa Palarong Pambansa 2025. Habang ang Davao Region ay nagsulat ng bagong pahina sa kanilang kasaysayan sa boys division, pinatunayan naman ng NCR girls team na sila pa rin ang reyna ng court.