DOTr MRT Tugade

Kinupkop ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mga matatanggal na empleyado ng LRT1.

Ayon sa kahilim, nakausap niya ang mga nangangasiwa ng Philippine National Railways (PNR), Light Rail Transit Authority (LRTA), at Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) na kupkupin ang mga nararapat na mga empleyadong nakatakdang matanggal sa trabaho.

Dagdag pa nito, pinapabilisan na niya ang mga ahensiya na kunin na lamang ang mga “deserving” na empleyado.

Magugunitang inihayag ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang namamahala ng LRT1 na magbabawas sila ng 100 tauhan dahil sa paghina ng kita nila mula ng ipatupad ang lockdown bunsod ng coronavirus pandemic.