Tiniyak ni Interior and Local Government Secretary Ismael Mike Sueno na matatanggal sa serbisyo ang isang police official na naaresto matapos mahuli sa akto na nagsasagawa ng pot session.

Sinabi ni Sueno na hindi niya nagustuhan ang balita at galit siya sa insidente kung saan isang mataas na opisyal ng PNP ay gumagamit ng iligal na droga o adik.

Aniya, hindi lang si PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa ang napahiya sa pagkaka aresto sa police colonel na nahuli na nag pot session kundi pati ang DILG.

Pahayag ni Sueno na kitang kita talaga na “under the influence of drugs” si PSupt. Lito Cabamongan.

Sa ngayon may mga hakbang ng ginagawa ang DILG para sa mga pulis na adik para tuluyan ng masibak ang mga ito sa serbisyo.

Giit ni Sueno na walang puwang sa PNP ang mga pulis na adik.