-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni Agriculture Secretary William Dar na sangkot sa umano’y “tongpats” scheme ang liderato ng Department of Agriculture (DA), kung saan ilang bilyong pisong kickback daw ang kanilang natatanggap sa pagdagdag ng minimum access volume at pagbawas sa taripa ng imported pork products.

DAR CAGAYAN

Sa pagdinig ng Senado nitong araw, sinabi ni Dar na strikto ang implementasyon at maging ang guidelines sa minimum access volume allocation para matiyak na transparent at non-discretionary ang sistemang ginagamit dito.

Noong Marso, sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na posibleng mayroong sindikato sa loob ng Department of Agriculture na maaring kikita ng ilang bilyong piso na kickback sa rekomendasyon na bawasan ang tariff rates pati na rin ang pagdagdag sa minimum access volume allocation sa pork imports.

Mayroon kasi aniyang mga reports hinggil sa mga indibidwal na umano’y nagpapatong ng P5 hanggang P7 sa kada kilo ng imported porks.

Ayon kay Lacson, ang modus na ito ay ilan taon nang nangyayari sa loob mismo ng Department of Agriculture.