-- Advertisements --
Nasa 15 katao ang nasawi at marami ang nasugatan matapos na madiskaril ang tren sa funicular railway sa Lisbon, Portugal.
Inilabas pa ng mga rescuers ang ilang mga pasahero na naipit sa loob ng tren.
Hindi naman bababa sa 20 katao ang nasugatan kung saan siyam sa kanila ang nagtamo ng matinding pinsala sa katawan.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa insidente.
Ang Glória Funicular na tren ay kayang magsakay ng 42 katao kung saan ito ay tinatangkilik ng mga turista na bumibisita sa Lisbon.
Una itong nagbukas noong 1885 na siyang pangunahing transportasyon sa Lisbon.