-- Advertisements --

Hindi nakamit ng Portugal ang panalo matapos makipagtabla sa DR Congo sa iskor na 1-1 sa kanilang laban sa Group K ng 2026 FIFA World Cup.

Maagang nakapuntos si João Neves sa ika-6 minuto gamit ang header mula sa pasa ni Pedro Neto.

Bago matapos ang 1st half, nakabawi si Yoane Wissa ng Congo sa pamamagitan ng malakas na header na nagpatabla sa laban.

Sa ikalawang yugto, mas naging agresibo ang koponan at mas mahusay sa paghawak ng bola.

Nahihirapan naman ang Portugal na makalikha ng malinaw na opensa at pagkakataon para makapuntos.

Sa huli, nagtapos ang laban sa 1-1 na iskor at parehong nakakuha ng tig-isang puntos ang dalawang koponan.