-- Advertisements --

Ginisa ni House Committee Chairman on Good Government and Public Accountability at Manila Representative Joel Chua ang dating district engineer ng Bulacan kaugnay sa mga nadiskubring mga ghost projects.

Sa pagharap ni dating Bulacan 1st Distric Engineer Henry Alcantara, inamin nito na nag isyu siya ng completion certificate kahit hindi nagsagawa ng inspection sa nakumpletong proyekto.

Sa interpelasyon ni Chua kay Engr Alcantara, tinanong nito kung may ginawa siyang inspection sa mga proyekto, tugon naman nito na meron subalit giit niya dumidipende lamang siya sa team na nagsasagawa ng validation.

Pagtiyak ni Alcantara kay Chua  na nagsasagawa din sila ng review sa lahat ng mga proyekto sa ground.

Gayunpaman giit ni Alcantara nagba base siya sa mga ibinibigay na mga dokumento dahil kumpiyansa siya na wala itong anomalya.

Para kay Chua ang pag amin ni Alcantara ay isang seryosong isyu. 

Aniya hindi ito maliit na bagay dahil kapag nag certify na ang district engineer ang susunod nito ay maglalabas na ng pera.

Ipinakita ni Chua kay Alcantara ang official receipts na nasa P43.4 million at P5.9 na nagpapatunay na bayad na ang proyekto sa SYMS Construction.

Gayunpaman dinipensa ni Alcantara ang kaniyang sarili at sinabing naka depende lamang siya sa ulat ng kaniyang mga subordinates.