-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Isinailalim sa red alert status ang buong lalawigan ng Aklan sa inaasahang posibleng epekto ng Typhoon Tino.

Ayon kay Gary Vilmer Taytayon, chief operation officer ng Aklan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang nasabing hakbang ay alinsunod sa utos ni Aklan Governor Jose Enrique Miraflores kasunod sa pananalasa ng masamang panahon sa Isla ng Panay na batay ulihing forecast ng weather state bureau ay magtatagal hanggang sa araw ng Miyerkules, Nobyembre 5, 2025.

Kasalukuyang nakaantabay ang lahat ng emergency responders unit dahil sa inaasahan ang pagbuhos ng ulan, malakas na hangin, landslides at posibleng storm surge lalo na sa mga mababang lugar.

Nananatili naman na suspindido ang klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan gayundin ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa araw ng Martes, Nobyembre 4 maliban na lamang sa mga ahensya na nagbibigay ng pangunahing serbisyo sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Tino.

Sa kasalukuyan ay may ilang pamilya ang magpapalipas ng gabi sa mga evacuation center sa ilang bayan sa Aklan lalo na ang mga nakatira sa low lying at coastal areas.