-- Advertisements --

Natalakay din ang budget sa interpelasyon ni Sen. Bam Aquino kay Sen. Ping Lacson hinggil sa isyu ng Flood Control Project sa bansa.

Binanggit ni Aquino ang kabuuang budget para sa flood control project sa 2026 na aabot sa P275 billion na sinang-ayunan naman ni Lacson na malaking halaga.

Iginiit ni Lacson na hindi maaaring magkakapareho ang makuhang flood control projects amount.

Aniya, kailangan itong equitably at on need basis.

Ibig sabihin , kailangang mas mabigyan ng prioridad at malaking halaga ang mga kabilang sa low lying areas na may tyansang bahain.

Aabot naman sa P26-B nag budget mula sa mga items na na-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang ang nasa unprogrammed funds naman ay aabot sa P168-B.