Nakipagkasundo ang beteranong actor na si Arnold Schwarzenegger sa sikat na video platform na TIKTOK para sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Ayon sa dating California governor at actor, nais niyang tiyakin na walang magugutom na mag-aaral habang nakasara ang mga paaralan dahil sa banta ng coronavirus disease o COVID-19.

Sa nasabing kasunduan, magbibigay ng $3 million ang TikTok bilang tulong pagkain sa mga mahihirap na pamilya sa US.

Katuwang ng nasabing video platform ang After-School All-Star program para ito ay maisakatuparan.