Ipinag-utos ng Kataas-taasang Hukuman sa Commission on Elections na ibahagi nito ang kanilang kumento hinggil sa petisyon inihain ng ilang mga kumandidatong senador, Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan o PDP-LABAN kamakailan.
Nais ng Korte Suprema na magkumento ang COMELEC patungkol sa kahilingan na magsagawa ang komisyon ng manual recount ng boto.
Hiling ng mga petitioners na manu-manong bilangin muli ang partikular sa ‘senatorial votes’ ng naganap na midterm elections noong Mayo.
Naniniwala kasi ang mga ito na nagkaroon ng umano’y iregularidad sa isinagawang eleksyon kamakailan.
Kaya’t ikinagalak maging ni Atty. Israelito Torreon, kasamang naghain ng petisyon, ang inisyung kautusan ng Korte Suprema upang magkumento ang Commission on Elections hinggil rito.