-- Advertisements --

Itinala ng Korte Suprema ang letter-petition na humihiling sa korte na muling ikonsidera o pag-aralan ang naging ruling nito na nagdedeklarang unconstitutional sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa notice na may petsang Agosto 12, nagpasya ang SC En Banc na i-note o itala ang naturang letter-petition na may petsang Agosto 5, 2025. Base sa notice, nilagdaan ito ng iba’t ibang mga indibidwal, na nagpapahayag ng kanilang mariing pagtutol sa desisyon ng Korte.

Hiniling din nila sa kataas-taasang hukuman ang pagdaraos ng oral argument kaugnay sa naturang usapin.

Matatandaan, noong Hulyo, idineklara ng Korte Suprema na labag sa batas ang articles of impeachment laban sa Bise Presidente. Kung saan nilabag nito ang “one year bar rule” o ang utos ng saligang batas na isang impeachment complaint lang ang maaaring ihain laban sa isang opisyal sa loob ng isang taon. Subalit, nilinaw din ng Korte Suprema na hindi nito inaabswelto ang Pangalawang Pangulo mula sa mga reklamo laban sa kaniya.