Buo pa rin ang suporta ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) kay Kai Sotto.

Ito ay kahit na nawala na ang tsansa na makapaglaro sa NBA G-League.

Sinabi ni SBP President Al Panlilio na hangad pa rin nila na makapaglaro pa rin sa NBA si Sotto.

Ikinatuwa kasi ng SBP ang pagpupursige ni Sotto lalo na ang interes nitong makasali sa Gilas Pilipinas.