Mariing kinondina ng Saudi Arabia ang nangyaring pamamaril sa tatlong katao sa US naval base sa Pensacola, Florida.

Ayon kay US President Donald Trump, tumawag na sa kaniya si King Salman kung saan kinondina nito ang ginawa ng suspek na si Mohammed Saeed Alshamrani isang Saudi military member na nag-tatraining.

Napatay din ng mga otoridad ang nasabing suspek.

Tiniyak ni Trump na kanila ng iniimbestigahan ang nangyaring pamamaril.

Magugunitang nag-amok ang suspek kung saan tatlo agad ang nasawi at walo ang nasugatan na agad namang itinakbo sa pagamutan.

Ito na ang pangalawang pamamaril na naganap sa US military base ngayong linggo.