-- Advertisements --

Positibo ang tugon ng mga business leaders sa Saudi Arabia sa Maharlika Investment Fund, matapos iprisinta ito ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. at nagpahiwatig ng kanilang intensyon na matuto sa mga kwento ng tagumpay ng Pilipinas partikular sa mga tuntunin ng pananalapi.

Ayon kay Saudi Ministry of Investment Minister Khalid Al-Falih, ang mga investors sa Saudi ay sabik na matuto sa pananalapi ng Pilipinas bilang isa sa mga pinakakapana-panabik na merkado ng ASEAN.

Dagdag pa ni Al-Falih, interesado ang business communities ng Saudi sa Maharlika Investment Fund.

Pinuri naman ni Al-Falih ang Pilipinas sa hakbang nito na maging cashless society sa taong 2030 at maging sa mobile finances.

Nakahanda naman ang Saudi government na magbahagi ng kanilang “highly successful banking sector.”

Nagpahayag ng interes sa Maharlika Investment Fund si Mulhan Albakree, Executive General Manager ng Public Investment Fund ng Kingdom of Saudi Arabia.

Maging si Bandar Al Hamali, CEO ng Jada, isa sa pinakamalaking investment companies sa Saudi Arabia.

Sa panig naman ng Pang. Ferdinand Marcos Jr., hinikayat nito ang mga negosyante sa Saudi na mag invest sa MIF para sa mga infrastructure projects ng Pilipinas.