Naniniwala si Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi pa kailangan sa ngayong humingi ng tulong mula sa ibang bansa kasunod ng pagsabog ng Taal Volcano.

Sa press conference sa Offce of the Civil Defense (OCD) sa Quezon City, sinabi ni Sec. Lorenzana na kung may mag-alok ng tulong ay tatanggapin ng gobyerno pero hindi manghihingi sa ngayon lalo pa’t hindi naman daw ganun kalaki o kalawak ng naidulot na pinsala.

-- Advertisement --

Ayon kay Sec. Lorenzana, Enero lang din ngayon kaya marami pang pagkukunan ng pondo gaya ng kakalagdang national budget.

Kasabay nito, tiniyak din ni Sec. Lorenzana na nakahanda ang gobyerno na magsagawa ng malawakang rescue operations kung kinakailangan sa mga biktima ng pagsabog kahapon at kung muling sasabog ang bulkan.