-- Advertisements --

Patuloy pa ang imbestigasyon upang alamin ang naging sanhi sa pagsiklab ng sunog sa Metropolitan Theater (MET) sa Arroceros, Ermita, Manila kaninang umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP-Manila), nagsimula ang sunod dakong alas-8:55 ng umaga.

Itinaas pa sa ikalawang alarma ang fire alarm bandang alas-9:00 ng umaga dahil sa makapal na usok mula sa gusali.

Ayon sa Manila Disaster and Risk Reduction Management Office, idineklarang fire out ang sunog kaninang alas-9:23 ng umaga at naapula ang sunog dakong alas-9:41 am.

Sa ngayon, inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsala ng naturang sunog.

Kilala ang Metropolitan Theater bilang classic venue para sa mga events namay kinalaman sa arts at culture.

Tinawag din itong “national cultural treasure” noong 2010 at matapos ang ilang taong pagsasara nito muling nabuksan noon lamang nakalipas na taon sa ilalim ni Manila Mayor Isko Moreno.