-- Advertisements --

Nagsimula nang magturo si First Lady Liza Araneta-Marcos sa bagong semestre nito bilang guro sa West Visayas State University (WVSU) sa Iloilo City.

Ayon sa kanyang post sa social media noong Biyernes, nagturo siya ng Civil Law Review noong unang araw ng klase sa naturang unibersidad.

Nabatid na nagsimula siyang magturo sa WVSU noong 2022 kung saan dati na rin siyang naging guro sa mga unibersidad tulad ng Far Eastern University, Northwestern University, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Saint Louis University, at Mariano Marcos State University.