-- Advertisements --
Patuloy na pinagkakatiwalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si DPWH Secretary Manny Bonoan sa kabila ng mga reklamo sa pagbaha at isyu sa mga flood control projects.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, na kumpiyansa pa rin ang pangulo sa kakayahan at pamumuno ni Bonoan sa kagawaran.
Siniguro ni Castro na papangalan ng pangulo ang mga contractor at opisyal na mapatutunayang nagpabaya sa mga proyekto at nanamantala sa pondo kapag natapos na ang imbestigasyon.
Nilinaw rin ng Palasyo na ang paglalabas ng listahan ay para magsilbing batayan ng publiko kung gaano karami ang flood control projects ng gobyerno, at alin sa mga ito ang dapat sitahin o silipin.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pangangalap ng datos kaugnay sa nasabing isyu.