CAGAYAN DE ORO CITY – Iginagalak ng Police Regional Office-10 ang tuluyang pagtalaga ng taga-Bukidnon na si Lt. Gen. Archie Gamboa bilang bagong upo na director general ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay matapos binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang trust and confidence si Gamboa upang pamunuan ang pambansang pulisya.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Police Regional Office-10 Lt Col Mardi Hortillosa na umaasa sila na mapalakas pa ang anti-illegal drugs campaign sa panahon ni Duterte.

Inihayag ni Hortillosa na partikular na inaasahan na tututukan ni Gamboa ang pagbabawas ng timbang ng mga matatabang pulis na kalat sa buong bansa.

Si Gamboa na nagtapos ng kanyang early education hanggang tertiary sa Davao City ay kasalukuyang nakatira sa bayan ng Maramag, Bukidnon dahilan na kilala ito ng mga Northern Mindanao.

-- Advertisement --