-- Advertisements --

Muli na namang pinatunayan ng ating bansa na mayroong tayong ibubuga pagdating sa pagkakaroon ng magagandang lugar na maaaring pasyalan ng mga turista.

Ito ay matapos na maging nominado ang sampung destinasyon sa bansa sa 2025 World Travel Awards.

Ayon kay DOT Secretary Christina Garcia-Frasco, ang pagkilalang ito ay nagpapakita ng malawak na appeal ng Pilipinas partikular na ng mga natural wonders nito at mga cultural landmarks.

Kabilang sa mga nominado ay ang Aurora sa Central Luzon, San Fernando, Pampanga at Clark Freeport Zone bilang isang Asia’s Leading Regional Nature Destination, Asia’s Leading Cultural City Destination, at Asia’s Leading Meetings and Conference Destination.

Isama pa rito ang iba pang lugar sa bansa bilang Asia’s Leading Beach Destination, Asia’s Leading Dive Destination, Asia’s Leading Island Destination, Asia’s Leading Tourist Attraction, Asia’s Leading Luxury Island Destination, Asia’s Leading Wedding Destination , at Asia’s Leading Tourist Board .

Hinikayat naman ng kalihim ang mga Pilipino at maging ang mga international travelers na suportahan ang nominasyon na ito ng Pilipinas.

Ang botohan ay nagsimula ngayon at tatagal hanggang August 31 sa pamamagitan ng official World Travel Awards website.