Nakuha ni Vic Saludar ang WBA strawwieght title matapos talunin ang kapwa Filipino na si Robert Paradero.

Sa pamamagitan ng split decision ay nangibabaw si Saludar at nakuha ang bakanteng WBA world minimum weight title.

-- Advertisement --

Kapwa nakipagsabayan ang kapwa boksingero sa pagsisimula ng laban.

Ibinuhos ni Paradero ang kaniyang lakas sa huling round subalit hind niya nagawang mapatumba si Saludar.

Mayroon ng 21 panalo apat na talo at 11 knockouts si Saludar habang mayroong 18 panalo isang talo na may 12 knockouts naman si Paradero.