Nagpaabot ng kaniyang pakikiramay si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa pamilya ng mga nasawi na mga tauhan hinggil sa nangyaring pagsabog kahapon sa government arsenal sa Limay, Bataan.
Kasabay nito ang pagtiyak din sa karampatang benepisyong ipagkakaloob sa mga ito.
Sasagutin din ng pamahalaan ang gastusin naman sa pagpapagamot sa dalawang nasugatan nilang tauhan.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente at inatasan na rin ang pamunuan ng arsenal na gawin ang ibayong pag-iingat upang hindi na maulit ang insidente.
Ayon kay DND spokesperson Dir. Arsenio Andolong, hinihintay na lang ng Department of National Defense (DND) ang buong report hinggil sa nangyaring pagsabog.
Ayon naman kay Arnel Rafael Depakakibo, director ng government arsenal, nangyari ang pagsabog sa Primer Composition Mixing Facility of Explosives Division habang inihahanda ang paglalaman sa mga bala ng kalibre .45 baril.
Dalawang tauhan nito ang kumpirmadong nasawi na kinilalang sina Ricardo Solomon at Marvin Tatel habang dalawang iba pa ang nasugatan na kinilalang sina Mareldo Rodriguez at Allan Wisco.
Ang opisyal na pahayag ng DND hinggil sa nangyaring pagsabog sa Government Arsenal (GA).
“Secretary of National Delfin N. Lorenzana conveys his deepest condolences to the affected families of the victims of the explosion that occurred at the Government Arsenal in Limay, Bataan yesterday morning, 26 May 2021. The unfortunate incident resulted in the deaths of two personnel of the GA who were on duty, with two others sustaining minor injuries.
The SND has directed the GA conduct a thorough review of the safety and protective measures implemented in the manufacturing facilities to ensure that a similar incident will be avoided in the future. The GA shall also ensure that appropriate assistance and attention are extended to the families of the personnel who died in the line of duty.”