-- Advertisements --

Nakahanda na ang mga kagamitan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa inaasahang pananalasa ng bagyong Crising sa Luzon.

Dalawa sa mga district office ng PCG sa Luzon na pangunahing naghahanda sa pananalasa ng bagyo ay ang Coast Guard District Northwestern Luzon at Coast Guard District Northeastern Luzon, na may sakop sa northeastern at northwestern seaboard ng Pilipinas, na pangunahing tinutumbok ng bagyo.

Sinimulan na ng dalawang distrito na ihanda ang lahat ng mga kagamitan upang magamit sa agarang deployment sa iba’t-ibang mga lugar sa hilagang Luzon.

Kabilang dito ang mga first aid, rescue equipment, radio communication device, at mga rescue boats.

Nakahanda rin ang sapat na manpower at deployable units ng dalawang distrito na binubuo ng mga personnel na may kakayahan sa search, rescue, at humanitarian operations.

Siniguro rin ng PCG ang pakikipag-ugnayan nito sa mga lokal na pamahalaan atbpang ahensiya ng gobiyerno para agad makatugon sa anumang emergency situation, kasabay ng pananalasa ng bagyong Crising.